Tuesday, August 21, 2012

Pick-Up Lines 101


by Jhuwen C. Balite

Wala ka bang magawa?
Baket?
Kasi… binabasa mo itong blog namen..

 BOOM!!

Since pilot article ko itong binabasa mo… dapat lang na explosive din yung nilalaman nito. Kaya naisip kong I feature sa unang article ko ang sumasabog sa pick-up lines. Paano nga ba mag bitaw ng pick-up lines at gaano din ito ka effective sa mga babae? Aalamin natin lahat ng iyan ngayon.

Sa pick-up lines may criteria rin tayong sinusunod para maging epektib sa pagsasabihan natin.

30% originality
20% creativity
50% impact

Yan ang criteria na sinusunod ng isang pick-up line. Sa originalty, mas maganda kung sarili mong gawa ang pick-up line mo… mas bago sa pandinig kaysa gumamit ka ng luma at gasgas ng pick-up lines sa tipo mong dilag. Kung susubukan mo ring gumamit ng mga “secondmouth” pick-up lines ay siguraduhin mong hindi pa naririnig nung babae yung pick-up line na yun, kundi ay ekis ka.

Sumunod naman ang creativity kung sariling gawa mo ang pick-up line na bibitawan mo. Dapat kakaiba at yung hindi maiiisip ng iba na pwedeng gawing pick-up line. For example; kaning baboy ka ba? O kaya ay piatos ka ba? Fudgee barr ka ba? Hahaha.. halatang gutom na ko habang sinusulat ko to at dahil sa nakikita ko yung paninda ng computer shop na to. Going back, kung gagawa ka man ng kakaibang pick-up line, siguraduhin mong mapapanindigan mo at mabibigyan mo ng justice yan kapag binitawan mo na. baka kasi kapag pumalpak, sisihin mo ako.. pepektusan kita kapag nangyari iyon.

Ang pangatlo at pinaka importanteng element na dapat nilalaman ng isang pick-up line ay ang “impact” ayan nakabold pa, baka hindi mo pa mapansin. Yan kasi ang madalas makalimutan ng marami sa atin. Dapat kapag nagsabi ka ng pick-up line, mapapa BOOM! Yung mga tao sa paligid mo, ksma na yung chick na pinagsabihan mo. Kasi kahit gaano pa ka orig at ka creative yang pick-up line mo, kung wala naming dating eh balewala din.

Siya nga pala, may nalimutan akong elemento. Para siguradong pumatok ang pick-up lines mo ay subukan mo ring umarkila ng back-up boys. 1% din siguro ang maitutulong nila sa pick-up line mo. Moral support ika nga.

O pano, hanggang ditto nalang muna.. balitaan nyo ko kung epektib ba. At kung hindi man. At least nalaman ko mula sa inyo bago ko subukan. haha. Joke lang.

By Smashgroundz with No comments

0 comments:

Post a Comment